JOHN LLOYD BALIK CLEAN CUT SA WEDDING NI VHONG

(NI ASTER AMOYO)

BALIK si John Lloyd Cruz sa pagiging clean cut nang ito’y dumalo sa intimate wedding ceremony ng kaibigang si Vhong Navarro at longtime partner nito, ang Kapamilya writer  na si Tanya Winona Bautista na ginanap sa Kyoto, Japan last Thursday, November 28.

Ang nasabing wedding ay dinaluhan din ng halos lahat ng mga kasamahan ni Vhong sa “It’s Showtime” noontime show except for Amy Perez na kasalukuyang nasa New York City, USA at ang bagong panganak na si Mariel Rodriguez na nasa Amerika rin.  Pero dumalo sina Vice Ganda at Ion Perez, Anne Curtis at husband na si Erwan Heussaff, Jhong Hilario, Ryan Bang, Karylle at husband na si Yael Yuzon, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz maging ang dating co-hosts ng programa na sina Kim Atienza, Billy Crawford at wife nitong si Coleen Garcia.

Napakaganda talaga ng samahan ng mga hosts ng “It’s Showtime” dahil dumayo pa sila ng Japan para lamang dumalo sa kasal nina Vhong at Tanya na kanila rin ginawa sa wedding nina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa Queenstown, New Zealand nung November 12, 2017.   The hosts taped advance episodes ng “It’s Showtime” para lamang sa wedding nina Vhong at Tanya.

Samantala, second wife na bale ni Vhong si Tanya matapos ma-annul ang marriage ng dancer-actor-comedian at TV host sa una nitong misis, ang actress-entrepreneur na si Bianca Lapus kung kanino siya may isang anak na lalake, si Isaiah Vhong Navarro or Yce. May isa pang anak na lalake si Vhong sa ibang babae, si Frederick Vhong Navarro.

Si Tanya ay naging kasintahan ni Vhong sa loob ng 11 taon bago niya ito pinakasalan.

Samantala, nag-enjoy ang lahat ng dumalo sa kasal nina Vhong at Tanya dahil malamig ang panahon ngayon doon.  Bukod sa wedding, nagkaroon din sila ng pagkakataon na makapamasyal hindi lamang sa Kyoto kung maging sa iba pang karatig lugar ng Kansai area.

UNBREAKABLE IBINALIK ANG ENTHUSIASM NG MOVIEGOERS

Masayang-masaya ang mga pangunahing bida ng pelikulang “Unbreakable” na sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutierrez maging ang nagbabalik na director na si Mae Cruz-Alviar dahil sa tagumpay ng pelikula sa takilya magmula nang ito’y magbukas sa mga sinehan nationwide nung nakaraang Miyerkules, November 27.

Kumita ng halos P10-M sa opening day pa lamang ang pelikula na patuloy na pinipilahan sa mga sinehan.

Kung mahihina lately ang  ilang local films na ipinalabas, mukhang naibalik naman ang enthusiasm ng mga manonood sa pelikulang “Unbreakable” ng Star Cinema.

Samantala, hindi binigyan ni Bea ng puwang ang kanyang pagdadamhali sa break-up nila ng Gerald Anderson nung nakaraang July na naging controversial dahil ibinuhos niya ang kanyang sarili sa trabaho at sa pagbubukas ng kanyang bagong business venture, ang sarili niyang franchinse ng US brand na Dean & DeLuca Café na matatagpuan sa kanto ng Scout Rallos and Scout Tuazon Sts. in Quezon City na nagbukas nung nakaraang November 27 na siya ring opening day ng kanyang “Unbreakable” movie with Angelica and Richard.

Si Bea ay isa sa mga bagong karagdagan sa  mga showbiz personalities na pumasok na rin sa larangan ng pagni-negosyo.

Ngayong palabas na ang “Unbreakable,” patuloy naman si Bea sa pagti-taping ng bago niyang teleserye sa Kapamilya Network, ang “Kahit Minsan Lang” na pinagtatambalan nila ni Richard Gutierrez.

OPEN SA PAGIGING ACTOR SI DIREK PAUL

Hindi isinanara ng director-producer at mister ng singer-actress-TV host na si Toni Gonzaga na si Paul Soriano ang posibilidad na umarte sa harap ng camera pero wala umano ito sa kanyang mga plano dahil ang paggawa ng pelikula  at pagdidirek ang kanyang passion

Si Paul ang director ng “Mananita” movie ni Bela Padilla na nakatakdang ipalabas ngayong December 4 na siya rin mismo ang producer and released thru Viva Films.

Naidirek na rin ni Paul ang kanyang misis na si Toni sa pelikulang “A Journey Home.”  Bukod dito at sa pelikulang “Mananita,” ang iba pang pelikula na ginawa ni Paul bilang director ay ang “Thelma” ni Maja Salvador, ang “Transit” ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith, ang Metro Manila Film Festival entry na “Siargao” in 2017 na tinatampukan nina Jericho Rosales, Erich Gonzales at Jasmine Curtis-Smith at ang “First Love” na tinampukan nina Aga Muhlach at Bea Alonzo.

Si Paul ay anak ng TV commercial  and movie director na si Jeric Soriano at apo ng yumaong veteran actor at dating matinee idol ng LVN Studios na si Nestor de Villa.

FIRST NOBLE QUEEN OF THE UNIVERSE

Ngayong December 1 na ang coronation night ng inaugural Noble Queen of the Universe na nakatakdang ganapin sa Manila Hotel.

Dalawampung candidate mula sa iba’t ibang lugar at bansa ang maglalaban-laban at kasama rito sina Patricia Javier, Marie France Papin Carrion at ang 48-year-old  Utah, USA-based na si Thelma Lassig who is a mother to five grown-up children and married to her half-American and half-German second husband na si Shan Lassig.

Bago siya sumali bilang isa sa mga candidates ng Noble Queen of the Universe, si Thelma or Tete ay nahirang na Mrs. Asia-USA noong 2014 at Mrs. Philippines-USA nung 2018.

 

171

Related posts

Leave a Comment