JOHN LLOYD CRUZ BALIK-PELIKULA NA 

lolitNAGBABALIK na nga si John Lloyd Cruz sa showbiz dahil sinisimulan na nito ang pelikulang ‘Servando Magdamag’ na dinidirek ni Lav Diaz under Black Sheep Productions.

Ganundin pala si Ellen Adarna. Nagpaparamdam na rin ito dahil nabalik na ang dating ganda ng katawan at lalong gumanda pa raw ito ngayon.

Kinuha kasi siyang endorser ng Kamiseta Skin na pag-aari ng BFF kong si Cris Roque.

Sabi nga nila, ang ganda-ganda raw ng aura ngayon ni Ellen at bagay sa kanya itong Kamiseta Skin.

Siyempre, Aalagaan naman siya nang husto ng Kamiseta at ang bait pa ni Cris Roque at ang buong staff.

Kaya abangan n’yo na lang sa launching niya para malaman natin kung tuluy-tuloy na ba ang pagbabalik niya sa showbiz.

 

Nakatutuwa rin na mataas pala ang rating ng Saturday edition ng ‘Wowowin’ ni Willie Revillame.

Wowowin Primetime ang tawag nila sa Saturday edition nito na nagsimula na noong nakaraang Sabado, February 15.

Sabi sa akin ng mga kabadingan, mataas daw ang rating nito na naka-11.5 percent at 8.6 percent ang katapat na ‘Home Sweetie Home’.

Kaya talagang namamayagpag na ang buong linggo ng ‘Wowowin’.

Gustung-gusto ni Willie ‘yan dahil tuluy-tuloy ang pagtulong niya sa mga nangangailangan.

Ang ganda kaya ng mga kuwento na nakuha diyan sa ‘Wowowin’, kaya tama lang na naging Kapuso na si Willie.

Noong Linggo naman ay guest ng All-Out Sundays ang Blind Balladeer ng Bacolod na si Carl Malone Montecillo at mukhang inabangan talaga siya ng mga manoood dahil hindi yata sila naglipat ng channel.

Naka-5 percent ang AOS at 4.7 percent ang katapat na ASAP Natin “To.

Nadamay pa nito tuloy ang ‘Dear Uge’ dahil mataas din na naka-4.9 percent, samantala 4.6 percent ang katapat na Banana Sundae.

Kaya talagang pinapalakas ang weekend ng GMA 7 na pinipilit ding habulin ng ABS-CBN 2.

 

258

Related posts

Leave a Comment