PORMAL nang nanumpa si Jose “Jerry” Acuzar bilang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang oath of office ni Acuzar bilang DHSUD ay isinagawa sa Study Room ng Malacañan, Palace batay sa short video clip na in-upload ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM) sa kanilang official Facebook page.
“President Ferdinand R. Marcos Jr. administers the oath-taking ceremony of Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose ‘Jerry’ Acuzar at the Study Room in Malacañan Palace on July 29, 2022,” ayon sa RTVM sa Facebook post.
Mandato ng DHSUD na palakasin ang mga komunidad sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinansyal na suporta sa mga proyektong tirahan ng maliliit na bayan.
Batay sa isang online encyclopedia sa Balanga City, Bataan, si Acuzar ay chairman ng New San Jose Builders Inc. at may-ari ng Las Casas Filipinas de Acuzar sa bayan ng Bagac.
Mayroon din itong pagmamay-ari na ilang condominiums sa Metro Manila at Balanga.
Si Acuzar ay bayaw ng executive secretary ni namayapang dating Pangulong Benigno Aquino III na si Atty. Paquito Ochoa. (CHRISTIAN DALE)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)