K-12 NG DEPED PALPAK

PUNA

ITINUTURING na palpak ng mga magulang na nagpapaaral ng mga anak ang K-12 Program ng Department of Education (DepEd).

Para sa mga magulang na tulad ng PUNA, ginawang eksperimento lang ng DepEd ang pagpapatupad ng K-12 na ang naperwisyo nito ang nakararaming Pinoy.

Sabi pa ng mga magulang,  doble ang ginagastos ng gobyerno sa implementasyon nito.

Gumastos na ang ­gobyerno sa pagpasok ng mga senior high sapagkat nagpagawa na sila ng mga pasilidad at iba pang kagamitan para magamit ng mga eskuwela.

Pinatay rin nitong K-12 program ang vocational courses (short courses), kasama na rito ang air technicians, mechanics, electricians at maraming iba pa.

Ito ang mga kursong 6 buwan hanggang 2 taon lang, subalit madaling nakakapagtrabaho.

Ngayong taon ang huling taon para sa vocational courses, sa susunod na school year ay wala na ito dahil sa K-12 Program.

Ang mga nagtapos ng vocational courses na ito ay ang tinatawag na ‘skilled workers’ kaya’t madaling nakakapasok ng trabaho lalo na sa abroad.

Matipid nasa mga magulang sa pagpapaaral sa vocational courses, madali pang nakababawi dahil mabilis silang nakakapagtrabaho.

Kung ikukumpara ang nagtapos ng vocational courses sa mga nagtapos ng senior high, mas may alam sa trabaho ang graduate ng vocational.

Saan ngayon ang mga nagtapos ng senior high? Wala,  mga tambay sa bahay, wala naman kasi silang natutunan sa dalawang taon nilang pagpasok sa senior high.

Mabilis ba silang natatanggap sa trabaho kahit sa mga department store?

Hindi naman sila maituturing na second year college dahil senior high lang naman ang kanilang natapos.

Kung hindi sana ipinatupad ng DepEd ang senior high, nasa second year college na sana ang mga grade 12 o ­graduating sa senior high.

Sabi tuloy ng mga magulang ang pagpapatupad ng senior high noong nakaraang administrasyon, ay lalong pinahirapan ang taumbayan.

Marami rin sa mga kabataan ngayon ang tinatamaad nang mag-aral sa kolehiyo dahil sa haba ng taon ang kanilang ­gugulin bago sila makatapos.

Nasa maisip ng mga opisyales ng pamahalaan lalo na ng DepEd, na ­maling mali ang pagpapatuloy ng programang K-12.

195

Related posts

Leave a Comment