KA-DUET NG GF TINANGKANG SAKSAKIN NG BF

QUEZON – Arestado ang isang 19-anyos na estudyante matapos nitong tangkaing saksakin ang isa ring estudyante na naka-duet ng kanyang girlfriend sa pagkanta habang nag-iinuman sa Brgy. Malabanban Sur, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi.

Kakasuhan ng grave threat at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 ang suspek na si alyas “John”, 19-anyos, 1st year college student, matapos na ireklamo ito ng biktimang si alyas “Jake”, 3rd year college student, at schoolmate ng una.

Ayon sa report, bandang alas-10:40 ng gabi, nag-iinuman ang magkakabarkada nang mag-duet sa isang kanta ang biktima at ang GF ng suspek.

Nagselos ang boyfriend at kumuha ng kutsilyo at inundayan ng saksak ang biktima subalit naawat ng mga kainuman.

Nagresponde naman ang mga pulis at inaresto ang suspek na ikinulong sa Candelaria Police locked-up cell habang inihahanda ang kaso laban dito. (NILOU DEL CARMEN)

321

Related posts

Leave a Comment