Kabaligtaran ng ‘small houses’ at pabrika ni Sen. Cynthia Villar SAGIP SAKA, PABOR SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA

NARARAPAT lamang na ipatupad ang Sagip Saka Act of 2019 upang matiyak na mayroong pagkain ang bawat pamilyang Filipino, lalo ngayong patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga biktima ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Ito ang punto ni Senador Francis Pangilinan bilang totoong aksyon upang maging masagana ang produksyon ng mga magsasaka sa bansa.

“Ito ang ibig sabihin ng food security: Walang nagugutom, walang magugutom, at walang takot na baka magutom,” birada ni Pangilinan.

“Hindi pa man pandemya, pero lalo na dahil dito, kalusugan ang isang tampok na problema ng bayan na dapat pinagtutuunan ng pansin ng ating gobyerno. Dapat masugpo ang pagkalat ng sakit. Dapat malusog ang Pilipino,” aniya pa.

Ang pananaw na ito ni Pangilinan ay 100 porsiyentong salungat sa ideya ni Senadora Cynthia Villar na magtayo ng “small houses” at pabrika sa bukid upang makatulong umano sa mga magsasaka at manggagawang bukid.

Ang pamilya Villar, sa pangunguna ni dating Senate President Manny Villar, ay beterano sa negosyong subdibisyon ng maliliit na bahay, o rowhouse.

Marami na namang bumira kay Villar sa kanyang panukala dahil “interes sa negosyo” ng kanyang pamilya ang nasa utak umano ng senadora.

Batay sa Sagip Saka Law, direktang bibilhin ng Department of Agriculture (DA) ang mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda upang matiyak na maganda ang kanilang kita.

Batay sa rekord ng DA, hanggang nitong Hulyo 20 ay umabot na sa 442 local government units (LGUs) ang bumili ng mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda na mahigit P2.5 bilyon ang kabuuang halaga. (NELSON S. BADILLA)

268

Related posts

Leave a Comment