KABATAAN PARTY-LIST REP. MANUEL, ‘DI NAIINTINDIHAN ANG KANYANG TRABAHO

RAPIDO Ni PATRICK TULFO

DAPAT talaga tuwing halalan ay pinag-iisipan natin kung sino ang mga iluluklok sa pwesto para hindi masayang ang boto. Halimbawa na lang itong si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na hindi yata alam ang ­kanyang ­trabaho bilang isang kongresista.

Sa pagdinig na isinasagawa ngayon sa House Committee on Appropriations sa 2023-24 budget, na hini­hingi ng Department of Foreign Affairs, tinanong ng batang-batang kongresistang si DFA Usec. ­Eduardo Dela Vega na ­natatakot daw ba ang ­kagawaran sa founder at head ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo ­Quiboloy, na nahaharap sa patung-patong na kaso sa America at inilagay na sa most wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI), kaya magpasahanggang ngayon ay hindi pa nila ito isinusuko sa US?

Sa tanong ng batang ­kongresista, sinabi nito na gusto lang daw niyang malaman sa DFA kung apektado ba ito sa banta ng pastor na sinabi nito noon pang nakaraang ­Nobyembre na ang ginagawang panggigipit dito ay maaaring magresulta ng mga sakit na mas malala pa sa Omicron at matatapos lang ang pandemya kung ititigil ang persekusyon sa kanya.

Sinagot naman ito ni Usec. Dela Vega na walang kinatatakutan ang ahensiya pagdating sa pagtupad sa tungkulin nito. Ayon kay Dela Vega ang extradition treaty sa pagitan ng US at Pilipinas kinakailangan ng isang pormal na hiling or request mula sa bansang naghahabol bago ito aksyunan kahit pa meron nang warrant ang suspect tulad ni Pastor Quiboloy.

Mayroon din daw karapatan ang magkabilang panig na tanggihan ang kahilingan kung kinakailangan dahil ang ­kapakanan ng mga Pilipino ang kanilang binabantayan.

Obviously, hindi alam ni Rep. Manuel ang kanyang trabaho dahil kung naiintindihan nito ang trabaho ng kanyang committee ay tututok lang ito sa mga tanong na may kinalaman kung saan mapupunta ang budget na hinihingi ng ahensiya.

Nakakahiya para sa isang mambabatas na dumadalo sa mga pagdinig pero hindi naman naiintindihan ang mga nangyayari, ika nga sa Ingles, “not qualified for the job”.

Sa extradition treaty sa pagitan ng dalawang bansa, kinakailangan ng formal request bago isuko ang isang wanted person na idinadaan sa DFA pero ang pagpapatupad ng pag-aresto ay babagsak pa rin law enforcement agencies tulad ng PNP at NBI.

207

Related posts

Leave a Comment