KAGAWAD ITINUMBA SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Inang Sayahin, Brgy. Nag Cruz, sa bayan ng Pitogo sa lalawigan noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jonard Alcantara Ariola, 48, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat ng Pitogo Municipal Police Station (MPS), dakong alas-8:00 ng gabi, habang nasa tabi ng kanyang bahay ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ito.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi batid na direksyon.

Agad dinala ang biktima sa ospital sa Gumaca, Quezon ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang posibleng motibo sa pamamaril, at pagkakakilanlan ng suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

14

Related posts

Leave a Comment