TARGET NI KA REX CAYANONG
MAS mahigpit na talaga ngayon ang Commission on Elections (Comelec).
Lahat ng batas na may kinalaman sa eleksyon ay talagang ipinatutupad ng komisyon.
Nakabibilib ang mga ganitong hakbang.
Kamakailan, sinimulan nang sampahan ng kaso ang mga indibidwal na may doble o higit pang rehistro sa kanilang database upang masawata nang tuluyan ang pamamayagpag ng ‘flying voters’ tuwing halalan.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, 7,000 na sa malaking 400,000 na indibidwal ang nasampahan nila ng kaso.
Aba’y ito ay magsisilbing babala sa mga nais na paikutin ang sistema ng eleksyon.
Good faith is not a defense, sabi nga ng commission chief.
Tama naman ang mama.
Patuloy daw kasing sisisihin ng publiko ang Comelec kung hindi nila makakasuhan ang mga double registrants kaya kailangan nila itong gawin.
Nasa milyon daw ang inisyal nilang nakitang double registrants mula pa noong 2010.
Ngunit gamit ang teknolohiya sa ‘automated fingerprint identification system’, kanilang madodoble ang pagkumpirma sa mga ito ngayon.
Bago ang Barangay & Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre, magpupulong ang Election Registration Board kung kailan tatanggalin ang mga double registrants na ito sa kanilang sistema.
At speaking of BSKE, tuloy-tuloy ang serbisyo-publiko ni Kagawad Jem Gabuna Junio ng Barangay Sta. Cruz, Antipolo City, anak ni dating Kapitana Dra. Rina Gabuna Junio.
Kung hindi ako nagkakamali, siya ay naging SK chairman mula 2010 hanggang 2013 at SK Federation treasurer (2010-2013).
Mahusay siya sa public service kaya laging inihahalal ng mga tao, kabilang noong 2013-2018 (#3 kagawad) at 2018-present #1 kagawad.
Siya ay #1 kagawad ng Sta. Cruz kung saan tinambakan niya ng 900 votes na kalamangan ang number 2.
Ayon sa mga nakausap kong residente, si Junio ang tanging kagawad na namigay ng ayuda noong pandemya na galing sa sarili niyang bulsa.
Siya ang pinakabata na naging SK Chairman ng Antipolo sa edad na 15 taong gulang at pinakabatang naging kagawad ng Antipolo sa edad na 18 taong gulang.
Mabuhay po kayo, bossing, at God bless!
214