KAGAWAD PATAY SA BANGGAAN NG MOTOR AT VAN

QUEZON – Nasawi ang isang barangay kagawad matapos na makasalpukan ng minamaneho nitong motorsiklo ang isang van sa Maharlika highway sa Barangay Tinandog, sa bayan ng Atimonan sa lalawigan nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa pangalang “Rod”, 52-taong gulang, kagawad at residente ng Barangay Sokol sa nasabing bayan.

Ayon sa report, minamaneho nito ang kanyang motorsiklo patungong south direction nang makasalpukan ang kasalubong na Hi-ace van na minamaneho ng isang nangangalang “Bry”, 35-taong gulang, negosyante at residente ng Guinayangan, Quezon pasado alas-nuwebe ng gabi.

Ayon sa Atimonan Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa kurbadang bahagi ng kalsada, nang biglang napunta umano ang motorsiklo sa linya ng kasalubong na van, na nagresulta sa head-on collision.

Matinding napinsala sa katawan ang kagawad na agad na isinugod sa Doña Marta Hospital sa Atimonan, subalit idineklarang dead on arrival doktor.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

16

Related posts

Leave a Comment