KAGAWAD PATAY SA PANANAGA NG KATAGAY

QUEZON – Patay ang kagawad ng isang barangay sa San Pablo City, Laguna nang pagtatagain umano ng lalaking kanyang kainuman matapos na magtalo sa bayan ng Dolores sa lalawigan.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-7 ng gabi noong Martes, nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng suspek sa Barangay Bulakin, Dolores. Bigla umanong pinagtata ng suspek ang biktima gamit ang itak nang magtalo dahil sa paghingi ng pera ng una na hindi napagbigyan ng huli.

Nakatakbo pa ang biktima upang humingi ng tulong sa kapitbahay ngunit hinabol siya ng suspek at muling pinagtataga na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek patungong San Pablo City dala ang ginamit na armas.

Patuloy pa ang ang manhunt operation ng pulisya para sa ikadarakip ng suspek na malapit umanong kamag-anak ng biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

3

Related posts

Leave a Comment