KAPWA ipinagdasal nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senador Bong Go ang tagumpay ng Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao sa laban nito kay Cuban boxer na si Yordenis Ugas, ngayong araw ng Linggo, Agosto 22.
Ayon kay Go, umaasa sila ni Pangulong Duterte na muling makapag-uuwi ng karangalan sa bansa si Pacquiao at ligtas na magagawa ito.
“Bilang Pilipino, I wish him luck sa kanyang laban. Good luck, Senator Manny, at isang karangalan para sa ating bayan at bandila kung manalo ka. Magdarasal din kami ni Pangulong Rodrigo
Duterte na manalo siya sa kanyang laban … Sana maging matagumpay siya at sana ‘di siya masaktan sa kanyang laban. Sana makapagdala siya ng isang malaking karangalan muli para sa ating bayan,” pahayag ni Go bago ang laban ni Pacquiao.
Aniya pa, kapwa naman sila nakaabang ni Pangulong Duterte sa laban ni Pacquiao dahil tradisyon na aniya ng sambayanang Filipino na abangan ang laban ng Pambansang Kamao.
