KALAGAYAN NG PINAS LALALA SA REVGOV

LALONG lalala ang kalagayan ng Pilipinas kapag nagtagumpay ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim ang bansa sa revolutionary government (RevGov).

Ito ang babala ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list lalo na’t hindi hinahabol ang Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Council (MRRD-NECC) sa pagsusulong ng rebolusyon na labag sa Saligang Batas.

Ayon sa mambabatas, hindi magagamot ng rebolusyunaryong gobyerno ang problema sa unemployment sa bansa na umabot na sa 45.5%, problema sa sistema ng kalusugan at pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

IRESPONSABLE

Tinawag naman ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na iresponsable ang MRRD-NECC na nagsusulong ng ganitong uri ng gobyerno.

“It is downright irresponsible especially given the situation we find ourselves in,” ani Alvarez na ang tinutukoy ay ang kalagayan ng bansa sa gitna ng pandemya sa COVID-19.
Sinabi ng mambabatas na sa ngayon ay nagkakasakit ang mga tao, nagiging desperado na sa kanilang sitwasyon, marami ang nagugutom at nagsasara ang mga negosyo hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

Samantala, walang nakikitang dahilan ang Malakanyang para makipag-dayalogo pa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga miyembro ng (MRRD-NECC).

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na malinaw ang sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang pakialam sa RevGov at nakatutok siya ngayon sa problema ng COVID.

“So hindi na po kinakailangan sabihin kahit na sino pa,” ani Sec. Roque.

Hindi naman itinanggi ni Sec. Roque na kinikilala ng Pangulo ang MRRD dahil  tumulong ito sa  kampanya ng Chief Executive at mayroon talaga itong mga kakilala sa MRRD-NECC.

Subalit, ang punto aniya ngayon ay iyong mga lumulutang na mga tao sa likod ng RevGov ay iba sa mga tinukoy ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III.

Dagdag pa rito, iginagalang ng Malakanyang ang paglalarawan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. bilang “insanity” ang panawagan ng grupo na pagtatatag ng revolutionary government. (BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

245

Related posts

Leave a Comment