KALAHATI SA MIYEMBRO NG 19TH CONGRESS FIRST TERMER

MAHIGIT kalahati sa bubuo ng 19th Congress sa mababang kapulungan ng Kongreso ay mga first termer, na kinabibilangan ng 34 neophyte mula sa party-list groups.

Kahapon ay sumailalim sa orientation ang mga bagong miyembro ng Kamara na kinabibilangan ng mga celebrity na sina Quezon City 1st District Congressman-elect Arjo Atayde at Agimat party-list Rep. Bryan Revilla.

Kasama rin sa mga celebrity sa 19th Congress sina Leyte Rep. Richard Gomez, Batangas Rep. Eric Buhain.

Sa record ng Kamara, aabot na sa 315 ang magiging miyembro ng 19th Congress na pormal na magsisimula sa Hulyo 1, 2022 at matatapos sa Hunyo 30, 2025 na mas mataas sa 304 na miyembro ng kapulungan noong 18th Congress.

Kinabibilangan ito ng 62 party-list congressmen mula sa 54 party-list organizations na nanalo ng upuan noong nakaraang eleksyon at 253 District congressmen.

Sa nasabing bilang, 35 ang bagito mula sa party-list group habang 137 naman ay District congressmen o 172 na higit kalahati sa kabuuang miyembro ng susunod na Kongreso.

Ilan sa first termer congressmen ay nagbabalik Kongreso tulad nina Caloocan City Rep. Mitz Cajayon, Cavite Rep. Lani Mercado, Antipolo Rep. Romeo Acop, Bulacan Rep. Linabelle Villarica, Cagayan Rep. Aline Vargas Alfonso, AGAP party-list Rep. Nicanor Briones at iba pa.

Base sa tradisyon sa Kamara, kailangang dumaan sa orientation ang mga bagong miyembro ng Kongreso upang maturuan ang mga ito ng pasikot-sikot sa loob at labas ng Kongreso.

Kasama sa itinuturo sa mga ito ay kung papaano gumawa at maghain ng panukalang batas, protocol sa loob ng session hall at maging sa mga committee hearing kung saan sila miyembro. (BERNARD TAGUINOD)

195

Related posts

Leave a Comment