MALAKING bahagi ng Βpwersa ng mga manggagawa na naninilbihan sa ΒMetro Manila ay mga residente ng lalawigan ng Rizal.
Sa bahagyang pagbubukas ng ibaβt-ibang industriya at mga pagawaan sa Metro Manila noong nakaraang Lunes, dahil sa pagluwag ng mga patakarang nakaumang laban sa COVID-19, marami sa mga RizaleΓ±o na namamasukan sa National Capital Region ang lumuwag ang paghinga dahil sa panibagong pagkakataon sa kabuhayan.
Sa kabila nito, nandyan pa rin ang agam-agam ng marami sa kanila dahil sa banta ng virus na ito. Kaya tayo ay nananawagan sa kanilang mga employer na siguruhing ligtas ang kanilang pagbabalik-trabaho.
Nandiyan naman ang mga alituntuning Βbinalangkas ng ΒInter-Agency Task Force on ΒEmerging Infectious ΒDiseases o ΒIATF-EID upang tiyakin ang kanilang kapakanan sa kalusugan.
Naglabas din ang Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga patakaran upang sila ay hindi tamaan. Bagamaβt hindi obligado ang mga may-ari ng negosyo na isailalim ang mga manggagawa sa Covid testing, makabubuti ito para sa kanilang kompyansa sa pamamasukan.
Nakalatag na rin ang mga panuntunan hinggil sa minimum health standards tulad ng physical distancing, mandatory facial mask at iba pang mga kaparaanan. Kasama rin dito ang probisyon sa ligtas na biyahe mula sa pinagtatrabahuan at kanilang mga tirahan.
Maalala rin natin na kasama sa bahagyang pagluwag ng regulasyon sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang kautusan na hanggang kalahati lamang ng workforce ng bawat kumpanya, pagawaan at establisyimento ang makapagtatrabaho.
Bahagi ito ng pangkalahatang solusyon sa pagbulusok ng pambansang ekonomiya at pagbuhay sa mga naantalang negosyo, komersyo at Βpag-inog ng gawaing pangkalakalan.
Sa lahat ng ito, babantayan natin ang lubusang pagtalima ng mga Βemployer sa mga batas na Βnangangalaga sa karapatan ng ating mga manggagawa sa isang ligtas na lugar ng trabaho.
Mahalaga ang ekonomiya, pero higit sa lahat ang buhay.
419 