PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na maghinay-hinay sa mga nakagawiang pamamasko.
“Kalma muna, tutal marami pa namang Pasko,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Miyerkoles ng gabi.
Ang payo rin niya ay huwag munang manghingi ng aginaldo o pamasko sa mga ninong at ninang.
“Kayo, huwag muna maghingi sa mga ninong, ninang kasi kaawa, kasi tapos maglabas ang mga ninang mo, ninong, mamili diyan sa kung saan-saan, idamay mo lang. maghingi ka hopefully in God’s own time, maybe next December,” lahad nito.
Muli namang ipinaalala ng chief executive ang pagsunod sa health protocols para maiwasan ang inaasahang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
May paalala naman si Health Sec. Francisco Duque sa publiko sa pagdaraos ng selebrasyon ngayong Pasko.
Ito’y ang iwasan ang mga gawain at lugar kung saan karaniwan ang pagtalsik ng laway gaya aniya ng mga kantahan, pagsasalo-salo, pagkain nang magkakaharap o ‘yung buffet at hindi paggamit ng face mask, face shield at protective barriers. (CHRISTIAN DALE)
