KALUSUGAN AT EDUKASYON, DAPAT IPRAYORIDAD NG SUSUNOD NA ADMIN

IGINIIT ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na apat na aspeto ang dapat tutukan ng susunod na administrasyon upang maging matagumpay sa pamamahala.

Sinabi ni Drilon na dapat tutukan ng susunod na administrasyon ng kalusugan, edukasyon, rule of law at pamamahala sa pagbubuwis.

Binigyang-diin ng senador na dahil sa pandemic, nakita ang problema ng bansa sa kakapusan ng mga doktor at iba pang isyu ng kalusugan.

Ito anya ang dapat na resolbahin ng susunod na Pangulo.

Iginiit din ni Drilon ang pagbuo ng gobyerno ng Joint Executive Legislative Education Committee upang bigyang solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bansa kaugnay sa edukasyon.

Sinabi ni Drilon na isa ang edukasyon sa tatlong aspetong kailangang tutukan ng susunod na administrasyon upang maisaayos ang pamamahala sa Pilipinas.

“The effect of pandemic is long term. There is also a study which says that our 10 year old kids cannot read and write. I would propose the joint executive legislative education commission. I would propose to expand Education Commission to include the executive,” pahayag ni Drilon sa media briefing.

Aminado si Drilon na kailangan ng pagtutulungan ng lahat para maresolba ang problema sa pag-aaral.

“Because the solution needs the action of executive and legislative. The problem cannot be solve overnight,” dagdag ni Drilon.

Sa rule of law, dapat anyang ibalik ang kumpyansa ng taumbayan sa mga awtoridad at dapat ding maging epektibo ang pangongolekta ng buwis para sa ikauunlad ng bansa. (DANG SAMSON-GARCIA)

138

Related posts

Leave a Comment