(BERNARD TAGUINOD)
MISTULANG nabuhay ang away ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso sa “pork barrel” matapos pitikin ng isang lider ng Kamara si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa nasabing isyu.
“Do some reality check,” hamon ni House minority leader Joseph Stephen “Caraps” Paduano kay Lacson matapos muling pag-initan ng senador ang umano’y congressional insertions para mapondohan ang karagdang supply ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa isang interview kay Lacson, iminungkahi nito na gamitin ang congressional insertion na tinawag umano ng Department of Budget and Management (DBM) bilang “for later release” para makabili ng P20 billion halaga ng karagdagang bakuna.
Hindi ito nagustuhan ni Paduano dahil ang Kamara lamang umano ang nakikita ni Lacson subalit nagbubulag-bulagan naman sa sariling bakuran.
“Tumingin ka muna sa sarili mong bakuran, the House of Senate is one-half of Congress that you are talking about. I hate to say this, but the honorable senator is fond of mocking the House of Representatives,” ani Paduano.
Ayon sa mambabatas, kung nais ni Lacson na makahanap ng karagdagang pondo para sa COVID-19 vaccines ay gamitin ang budget ng mga ito sa pagpapatayo ng Senate building sa Taguig.
“The problem with Senator Lacson is the fact that he always project himself as upright and clean by disowning the budget,” dagdag ng mambabatas.
Kinastigo rin nito si Lacson dahil nakikialam aniya sa trabaho ng Executive Department partikular na sa implementasyon ng General Appropriations Act (GAA) gayung ang trabaho nito ay gumawa lang ng batas.
“Members of Congress are elected to legislate as well as to ensure that laws are faithfully executed. The President is elected to direct the affairs of the Government and Execute the laws faithfully, to each his own, mahirap naman ‘yan na senador ka na tapos ikaw magpapatupad ng batas, hindi na yata tama ‘yan,” ayon pa kay Paduano.
166
