KANLAON VOLCANO PUMUTOK, ALERT LEVEL 3 ITINAAS NG PHIVOLCS

AGAD na ipinag-utos ang paglilikas sa lahat ng mga residenteng naninirahan sa loob ng 6-kilometer danger zone matapos ang naitalang pagputok kahapon ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Itinaas din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 3 ang bulkan kasunod ng pagputok nito bandang alas-3:00 ng hapon nitong Lunes.

“The 3 p.m. eruption produced a voluminous plume that rapidly rose to 3,000 meters,” ayon sa Phivolcs. Naitala ang pyroclastic density currents (PDCs) o hot, ground-hugging flows ng bao at volcanic debris na dumausdos sa timog-silangang dalisdis ng bulkan.

Ayon sa ahensiya, posible ang pagkakaroon pa ng explosive eruptions kaya pinalilikas na ang mga residente malapit sa paanan ng bulkan partikular ang mga barangay ng Pula, Masulog, Malaiba at Lumapao.

Kaugnay nito, nag-preposition na ang Department of Social Welfare and Development ng family food packs sa piling mga lugar.

“More than 5,000 [food packs were] in Vallehermoso. We have pre-positioned 10,000 in Guihulngan and another in Canlaon city,” ani DSWD-Central Visayas Director Shalaine Lucero.

“Non-food items such as family kits, hygiene kits, modular tents, kitchen kits and sleeping kits were also on standby,” ayon pa sa DSWD. (JESSE KABEL RUIZ)

196

Related posts

Leave a Comment