Kano magpapadala ng battleship DND, DFA KABADO SA CHINA WAR GAMES

NABABAHALA ang Department of National Defense at Department of Foreign Affairs sa nakatakdang war games ng China sa South China Sea malapit sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Ito ay kasunod na rin ng ulat na nakatakdang magpadala ng dalawang battleship ang United States sa area na bahagi rin umano ng kanilang pagsasanay malapit sa pagdarausan ng Chinese war exercises.

Nagpahayag ng pagkaalarma sina DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa dalawang war games na ito.

Pangamba ng Defense Department, posibleng ang ginagawa ng China ay lalong magpalala sa tensyon sa South China Sea. “Chinese military drills in South China Sea ‘highly-provocative,” ayon pa sa Kagawaran ng Tanggulang Pambansa.

Wala aniyang magiging problema sa war exercises basta ito ay gawin sa sariling bansa at hindi sa pinag-aagawang teritoryo.

Ayon naman kay Locsin, noon pang Hunyo 27 nagpaalam ang China na magsasagawa ng military exercises sa pangunguna ng Chinese People’s Liberation Army sa South China Sea.

Dapat lang aniyang sundin ng China ang tamang lugar na napag-usapan at hindi sila lumagpas o pumasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon sa ulat, may dalawang US aircraft carriers ang nagsasagawa ng pagsasanay sa disputed South China Sea simula pa kahapon (Sabado) kasabay ng Chinese military drills na tinutuligsa ng Pentagon at mga kalapit bansa.

The USS Nimitz and USS Ronald Reagan were carrying out operations and exercises in the South China Sea “to support a free and open Indo-Pacific,” ayon sa inilabas na pahayag ng U.S navy.

“China is carrying out massive naval exercises in the South China Sea in a show of strength designed to highlight its ability to storm and seize islands with warships and paramilitary coast guard vessels,” ayon pa sa Pentagon.

Isang senior fellow and naval expert ng Hudson institutes na nakabase sa Washington ang nagsabing hindi isang military exercise na kontra kalabang military ang ginagawa ng China kung hindi kung paano sasalakayin ang isang isla.

Inakusahan ng US ang China na tinatakot ang mga kalapit bansa sa Asia na nagbabalak magsagawa ng pagsasaliksik hinggil sa kanilang extensive oil and gas reserves. Kabilang ang Brunei, Malaysia, Philippines, Taiwan at Vietnam sa mga bansang umaangkin sa ilang bahagi ng South China Sea, kung saan umaabot sa tinatayang $3 trillion ng kalakalan ang dumadaan taon-taon. (JESSE KABEL)

147

Related posts

Leave a Comment