KARERA SA MANILA CITY HALL, ISKO TODO-BILIS ANG ARANGKADA

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA

WALA na, talagang si former Yorme Isko Moreno na talaga ang mananalo sa karera sa Manila City Hall.

Bakit ika nyo? Sa resulta kasi ng re-election survey nung Biyernes, Marso 28, kumubra si Yorme ng 67% voter preference, at kumakain ng alikabok ang malayong kasunod — si ‘Sam Volero Sam Verzosa (16%) at kawawang nasa pangatlo naman, si incumbent Mayora Honey Lacuna, 15% lamang ang nakuha.

Sa OCTA Research mula Marso 2-6, pinakyaw na ni Isko at mga kasama sa Yorme’s Choice ang anim (6) na distrito ng Maynila.

Salamat, babangon na uli ang Maynila, kasi po, tulad noong unang termino niya (2019-2022), agad niyang sinimulan ang paglilinis ng lungsod, at ito ang unang hahawakan ni Yorme sa pag-upo bilang mayor sa Hulyo, walis, basahan, timbang may tubig at basurahan.

Kasama si Vice Mayor Chi Atienza, uumpisahan nilang ibalik ang disiplina at matinong pamamahala, at ang ibalik ang serbisyong matino, at ang bukas sa publikong pamamahala.

Babalik na po ang good governance sa Maynila!

Babalik uli ang kapanatagan sa Manilenyo, mula umaga, tanghali, maging sa kalaliman ng gabi at sa pagbubukang liwayway.

Habang natutulog ang mamamayan, madarama ang kumikilos na gobyerno na ready sa anomang pangyayari, at agad na tutugon sa anomang emergency.

Nagawa yan ni Yorme noon, at kayang-kaya, magagawa uli niya sa muling pag-upong mayor ng Maynila.

***

Balikan natin ang ginawa ni Yorme Isko noon:

Moderno, kumpletong ginhawa ang pabahay na itinayo sa Tundo at iba pang lugar iskwater, ibinalik ni Yorme ang dignidad ng pagkatao ng mga pamilyang walang-walang anoman sa buhay.

Madaling gamutan sa mga public hospital at ang mabilis na kilos sa mga transaksyon sa inobasyong tulad ng Go Manila app.

Pinakikinabangan ang lahat ng proyekto na ipinatayo ni Isko: “Dati squatter ka katulad ko, ngayon pipindot ka na lang ng elevator—’15th floor, please.”

Wow, ha, parang nasa condo, sarap naman.

Maraming engineer, lawyer, teacher, CPA, nurse at iba pang de kalidad na propesyon ang natamo ng Batang Maynila sa free education program ni Yorme.

Isang malaking hakbang ito, isang malaking laktaw sa pagbalikwas sa kahirapan, salamat Yorme Moreno sa initiative na ito na pag-aangat sa wisyo at kumpiyansa ng Batang Manilenyo.

At ang mga seniors, PWDs, solo parents na napabayaan, ang pangako ng Yorme’s Choice ay ang pagbibigay — marahil ay doble o triple pang benepisyo sa kanilang gamutan, trabaho at hanapbuhay.

Si Vice Mayor Atienza ay agad na tututukan ang mga ordinansa at resolusyong magpapa-alwan, magpapaginhawa sa kalagayang dugyot ng mamamayan ng siyudad.

“Ito naman talaga ang tungkulin namin na kayo, kayong Manilenyo ay aming pagsilbihan.

Mapapanatag na kayo, pag kami ay nasa cityhall na,” sabi ni VM Chi sa maraming panayam.

***

Malakas noon pa man ang suporta sa Yorme’s Choice sa unang paghahatag ng certification of candidacy, pero ngayong malapit na ang tagumpay, hayan, sumanib na ang samahang nakaugat sa pusod ng siyudad at hindi na mababaklas pa ang Kababaihan ng Maynila, KABAKA, at Kaagapay ng Manilenyo.

Kasi todo na ang kanilang taya kung baga sa sugal, kasi kita na ang panalo at ang premyo, mas pinabuting serbisyong Manilenyo.

Serbisyong Isko-Chi na gagawin uli na marangal ang Maynila sa buong bansa at maging sa buong mundo.

Eto ang pampasiglang mensahe ni FEJODAP presidente Rodelio Sotto.

Aniya:”

“Nakita naman po natin na ang Maynila ay nawala na po ang gobyerno. Sala-salabat po ‘yung traffic sa kanto, ang Divisoria naging dugyot, ang buong Maynila ay naging dugyot po talaga.”

Well Sir Sotto, magbabago na po ang lahat, basta, ating ipanalo sa Mayo 12, ang Serbisyong Isko-Chi at sigurado, yung alalahanin mo, mapapawi.

Gaganda uli, babango uli, titino uli ang gobyerno ng Maynila sa tagumpay ng Yorme’s Choice.

Ang tropang Manilenyos’ Choice.

Dangal, maningning na Maynila, babalik na!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com

37

Related posts

Leave a Comment