Kasabay na sa general population12-17 ANYOS BABAKUNAHAN SIMULA OCT. 15

DAHIL ‘steady” ang bakuna sa bansa, magsisimula na sa darating na Biyernes, Oktubre 15 ang initial rollout para sa mga may comorbidities na edad 12 hanggang 17 sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na magsisimula na ang pamahalaan sa juvenile vaccination.

Magsisimula na rin aniya ang pagbabakuna sa general population.

“So, lahat na po ay puwedeng magpabakuna,” pagtiyak ni Sec. Roque.

Ito aniya ay pagsunod sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na nakasaad sa IATF resolution No. 141.

Sa ulat, sisimulan na ang pagbabakuna sa mga kabataang 12 hanggang 17 taong gulang na comorbidities laban sa coronavirus disease sa anim na Metro Manila hospitals simula sa Oktubre 15.

Tinukoy ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang anim na ospital ay ang Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe Del Mundo Medical Center at Philippine General Hospital.

Sinabi pa ni Galvez na ang pagbabakuna sa mga kabataan sa nasabing edad ay palalawigin sa kalaunan sa piling Metro Manila local government units (LGUs).

Hindi naman nito tinukoy ang bilang ng mga kabataan na makikiisa sa pilot COVID-19 vaccination sa anim na Metro Manila hospitals. (CHRISTIAN DALE)

88

Related posts

Leave a Comment