KINUMPIRMA ng Department of Agriculture (DA) na mayroon na ring natukoy na positibong kaso ng H5N6 highly pathogenic avian influenza sa Pilipinas.
Tinukoy ni Agriculture Secretary William Dar ang tinatayang 1,500 quail o pugo sa isang farm sa Barangay Ulanin-Pitak sa bayan ng Jaen sa Nueva Ecija ang nagkaroon ng strain ng bird flu.
Kasabay nito, iniutos ng kalihim ang pagbabawal na magbenta ng itlog at karne ng quail mula sa farm at sa nasasakop nitong one-kilometer radius.
Nakatakda namang sumailalim sa quarantine ang mga na-expose sa infected na quail habang minumonitor ang kanilang kalusugan.
Gayunman, naniniwala si Dar na napakaliit ng tiyansa na mahawa ang tao sa strain ng bird flu.
Noong 2017, aabot sa 200,000 fowls ang pinatay sa Pampanga dahil sa virus ngunit walang tao ang naapektuhan ng avian flu. JG TUMBADO
350 