KASO NG COVID-19, NASA 3,764 NA

NASA 3,764 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa kasunod ng 104 bagong kaso na naitala ngayong araw, base sa ulat ng Department of Health (DOH).

Inanunsiyo ni Health Secretary Francisco Duque III na sumampa sa nasabing bilang matapos madagdag ang 104 panibagong kaso ng virus sa bansa sa magdamag.

Ayon kay Duque, 14 pang pasyente ang nasawi kaya umabot na ang COVID 19-related deaths sa bansa sa 177.

Ang bilang naman ng recoveries ay nadagdagan din ng 11 pasyente kaya ang kabuuang bilang nito ay pumalo sa 84.

Samantala, patuloy na kinakalap ng DOH ang impormasyon tungkol sa lagay ng higit 3,000 pasyente na naitalang positibo sa COVID-19.

Batay kasi sa hawak na datos ngayon ng DOH, mula sa higit 3,000 nagpositibo: 274 ang mild case, 39 ang severe, habang 23 ang kritikal.

Ayon kay Duque, hinihintay pa nila ang update ng mga ospital kaugnay ng clinical status ng mga naka-confine pang pasyenteng infected ng sakit. D. ANIN

396

Related posts

Leave a Comment