NADAGDAGAN ng pito ang bagong kaso na nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela City.
Si VC146 ay isang 17-anyos na lalaki at si VC147 naman ay isang 18-anyos na lalaki.
Mga returning OFW naman ang 26-anyos na lalaki na si VC148 at si VC149 na isang 59-anyos din na lalaki.
Si VC150 na isang 15-anyos na babae at VC51 na isang 12-anyos din na babae ay mga anak nina VC108 at VC134.
Habang si VC152 ay isang 64-anyos na lalaki na binawian ng buhay noong May 1, 2020.
Ayon sa report ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), pumalo na sa 152 ang nagpositibo sa lungsod, as of 11:00 pm, May 13, 2020.
Sa bilang na ito, 108 ang active cases at 34 ang mga nakarekober habang 10 naman ang nasawi.
Patuloy naman ang pagkuha ng swab specimens sa frontliners ng lungsod para sa PCR testing. Target ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela na ma-test lahat ng frontliners kabilang ang mga barangay health worker na exposed din sa banta ng COVID19. FRANCIS SORIANO
