Kaso sa Matandang Balara bumaba DEFENSOR TULOY SA PAMIMIGAY NG IVERMECTIN

MAHIGIT kalahati ang ibinaba ng COVID-19 cases sa Matandang, Balara, Quezon City, halos isang buwan matapos mamahagi ng Ivermectin sina Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta.

Ayon kay Defensor, bago sila mamigay ng Ivermectin sa nasabing lugar noong Abril 30, 2021 ay umaabot sa 138 ang COVID-19 cases base sa report ng Barangay Health Emergency Response Team.

Matapos ang tatlong linggo, bumaba sa 57.2% ang COVID-19 infections sa Matandang, Balara dahil umabot na lamang sa 59 kaso ang naitala noong Mayo 22, at bumagsak pa sa 39 ang kaso noong Mayo 23.

“The decrease (ng COVID-19 cases) in Matandang Balara is far larger than the 34.2-percent reduction in District 3, which the barangay belongs,” ayon sa mambabatas.

Dahil dito, lalong naengganyo si Defensor na paigtingin pa ang kanyang proyekto na bigyan ng libreng Ivermectin ang mamamayan ng Lungsod Quezon upang maproteksyunan ang mga ito laban sa nasabing sakit.

“The significant decline is a tremendous achievement in the fight against COVID-19 and further bolsters our appeal to undertake mass distribution of ivermectin to our people,” ani Defensor.

Sanhi nito, umapela si Defensor sa Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST) na bilisan ang clinical trial sa Ivermectin na inutos sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We could save many lives with the use of this wonder drug,” ayon pa sa mambabatas kaya dapat aniyang bilisan ang clinical trial dahil marami nang patunay na epektibo ang nasabing gamot laban sa COVID-19.

Gayunpaman, dismayado ang mambabatas dahil sa gitna nang pagbaba ng kaso ng coronavirus sa Matandang, Balara ay nagpabaya ang Quezon City government nang hindi nila pigilan ang maramihang pagtitipon sa nasabing lugar sa pamamahagi ng P1,000 ayuda mula sa national government.

Ito ang dahilan kaya dapat aniyang habulin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng health measures violators, kasama na ang LGUs at public officials.

“We are afraid that without sending clear signals to those responsible, we will continue to see the rise in cases of COVID 19 and the policy of lockdowns will be a never-ending cycle,” ani Defensor. (BERNARD TAGUINOD)

140

Related posts

Leave a Comment