KASUNOD ng pagpapahintulot sa pag-inom ng alak, larga na rin ang karera ng kabayo sa Valenzuela City.
Ayon sa pamahalaang lungsod, pinapayagan na ang operasyon ng mga Off-track Betting Stations sa lungsod.
Gayunpaman, ito ay limitado lamang sa pagbebenta ng mga ticket.
Pwede na rin ang operasyon ng lotto outlets, basta’t nasisiguro ng mga awtorisadong ahente ang ang pagsunod sa minimum health standards.
Alinsunod umano ito sa memorandum na inilabas ng Office of the President, ayon sa pamahalaang lungsod ng Valenzuela. (ALAIN AJERO)
