Kasunod ng dangerous maneuver PAGPASOK NG CHINA SA PHILIPPINE AIRSPACE KINONDENA NG U.S.

TAHASANG kinondena ng Estados Unidos ang “mapanganib” na kilos ng isang helicopter ng Peoples Liberation Army (PLA-Navy) ng China, na lumapit sa isang eroplano ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc.

Hinimok ni U.S. Ambassador MaryKay Carlson ang China na umiwas sa pananakot at lutasin ang mga alitan sa mapayapang paraan.

“We condemn the dangerous maneuvers by a PLA Navy helicopter that endangered pilots and passengers on a Philippine air mission. We call on China to refrain from coercive actions and settle its disputes peacefully in accordance with international law,” mariing pahayag kahapon ni Carlson, U.S. Ambassador in Manila.

Nangyari ang insidente habang nasa maritime patrol ang eroplano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Isang helicopter ng China, may tail number 68, ang peligrosong lumapit, nagsagawa ng delikadong pagmamaniobra na labag sa pandaigdigang regulasyon sa aviation.

Itinanggi ng China ang paratang, sinabing ilegal na pumasok ang eroplanong Pilipino sa kanilang teritoryo at nagpakalat ng maling impormasyon.

“On Tuesday, a Philippine C-208 aircraft illegally trespassed into the airspace of China’s Huangyan Dao without the permission from the Chinese government, then confused right and wrong and spread false narratives. The PLA Southern Theater Command organized naval and air forces and tracked, monitored, warned and expelled it in accordance with laws and regulations,” pahayag ni Senior Colonel Tian Junli, tagapagsalita ng PLA Southern Theater Command, na ibinahagi ng China Embassy in Manila.

Ang Bajo de Masinloc, na nasa loob ng eksklusibong economic zone ng Pilipinas, ay nananatiling sentro ng tensyon sa kabila ng 2016 Hague ruling na nagbasura sa malawakang pag-angkin ng China sa South China Sea. Hindi kinikilala ng China ang naturang desisyon

Nakatakdang maghain ng diplomatic protest ang Pilipinas sa “reckless” maneuvers ng Chinese military helicopter malapit sa maliit na sasakyang panghimpapawid ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nasa routine patrol sa Bajo de Masinloc.

Sa isang kalatas, sinabi ng National Maritime Council (NMC) na lumipad at umali-aligid ang Chinese People’s Liberation Army-Navy Harbin Z-9 helicopter, kasing-lapit, o may tatlong metro ang lapit sa Cessna ng BFAR sa Bajo de Masinloc, araw ng Martes.

“This blatantly hazardous action endangered the safety of the pilots and passengers onboard. It demonstrated a lack of regard for internationally accepted norms on good airmanship and flight safety,” pahayag ng NMC. (JESSE KABEL RUIZ)

23

Related posts

Leave a Comment