NAKAALERTO na ang ilang distrito sa Southeastern Mindanao, Northeastern Mindanao at Eastern Visayas kasunod ng inilabas na tsunami warning.
Ito ay makaraan ang nangyaring magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Manay, Davao Oriental.
Puspusan na ang isinasagawang coastal at sea monitoring ang mga tauhan ng PCG at nagbigay ng mga paalala sa publiko.
Isinaaktibo na rin ang lahat ng Deployable Response Groups.
Itinigil na rin pansamantala ang lahat ng water activities sa Siargao bilang bahagi ng precautionary measures.
(JOCELYN DOMENDEN)
