MATAPOS ang halos buong season na pagliban sanhi ng ACL injury, makasasama na si Kawhi Leonard sa training camp ng Los Angeles Clippers sa susunod na linggo sa Las Vegas.
Ngunit ayaw pa rin madaliin ng Clippers ang pagbabalik sa aksyon ni Leonard, sa halip ‘step-by-step’ ang gagawin ng koponan hanggang tuluyan nang makabalik sa laro ang superstar.
“He feels great,” hayag ni Clippers President Lawrence Frank via ESPN’s Ohm Youngmisuk. “His plan is, look, he wants to participate in everything. And I think organizationally, we’re going to be cautious. So, it will be a step-by-step approach.”
Hindi nakalaro si Leonard sa nakaraang season para sa Clippers, matapos ang unang pagkapunit ng ACL sa second round ng 2021 playoffs.
Ang 31-year-old player ay may average 24.8 points, 6.5 rebounds at 5.2 assists per game sa ikalawang season niya sa Los Angeles.
Sisimulan ng Clippers ang season sa Oktubre 20 laban sa Los Angeles Lakers. Bago ito, magkakaharap muna ang dalawang team sa preseason games sa Setyembre 30 at Oktubre 3 sa Seattle.
Pero, hindi malinaw kung isasalang si Leonard sa nabanggit na preseason games. At ayon kay Frank, hindi pa sila handa.
“When you’re dealing with a major injury, you can’t predict,” ani Frank. “I know with him, he wants to do everything, but we’ll just kind of let’s see how he feels each day. We have an outstanding medical team, and we’re playing the long game with it.
“So we’re not going to get into predictions, what he will do or he won’t do … We’ll figure out, is that best for his body? One day it may be. The next day, we’ll have to reassess. We’ll rely on the feedback we get from Kawhi, obviously from the medical team. It’s too early to predict. We have time before we need to get there.”
Samantala, maging ang isa pang Clippers star na si Paul George ay galing sa injury.
Ayon kay Clippers President Lawrence Frank, 100% healthy na umano si George.
Napunit ang UCL sa right elbow ni George sa nakaraang season, dahilan para lumiban siya ng tatlong buwan at nakabalik bago matapos ang season.
Nagtala ang 32-anyos player ng average 24.3 points, 6.9 rebounds at 5.7 assists in 31 games.
Dagdag ni Frank: “Paul has had an extremely purposeful, driven, and very productive off-season, in that his consistency of training has been off the charts. “Plus, he continues to take more and more of an ownership and leadership role.”
2-YR EXTENTION
KAY McCOLLUM
NAGKASUNDO si C.J. McCollum at ang New Orleans Pelicans sa two-year, $64 million extension, lahad ng agent ng player sa ESPN Sports.
Si McCollum ay may dalawang taon pang nalalabi sa kontratang pinirmahan sa Portland Trail Blazers noong 2021, ngayon, ang kanyang bagong Pelicans deal ay magtatali sa kanya hanggang 2025-26 season.
Na-trade si McCollum, 31, sa poder ng Pelicans kalagitnaan ng nakaraang season makalipas ang walong full season sa Trail Blazers.
Nabuhay ang career niya sa New Orleans, nang mag-average siya ng 24.3 points at 5.8 assists per game sa second half ng taon.
Tinulungan niya ang Pelicans sa unang playoff appearance ng team mula 2017, nang makuha ng New Orleans ang eighth seed sa Western Conference nang talunin ang San Aontio Spurs sa first NBA’s first play-in tournament.
Inaasahang muling pangungunahan ni McCollum ang Pelicans sa kanyang unang full season sa team, katuwang sina Brandon Ingram at ang malusog na ngayong si Zion Williamson.
Ang New Orleans ay +4000 favorite para manalo ng NBD Finals at +400 para manalo sa Southwest Division, ayon sa BetMGM. (VT ROMANO)
