EALA HAHATAW SA 2 WTA TOURNEY

MATAPOS ang US Open ­Juniors title, dalawa pang Women’s Tennis Association (WTA) tournament ang sasabakan ni Pinay teen ace Alex Eala.

Hayag ng 17-anyos na Rafa Nadal Academy scholar, puspusan siyang naghahanda ngayon para sa sasalihang Templeton Tennis Ranch sa Templeton, at Rancho Santa Fe events sa California, USA.

“Preparation continues here at the tournament site. I play my next tournament here at Templeton, California this coming week and followed by another one at Rancho Santa Fe also here in California,” post ni Eala.

Target ni Eala mapataas ang kanyang WTA rankings para magkwalipika sa inaasam na Grand Slam. Sa ngayon ay ranked No. 288.

Samantala, mula No. 167 ay tumalon siya sa No. 35 sa ­women’s juniors matapos makakuha ng 1000 ITF points sa kanyang panalo sa US Open.

Matatandaang tinalo ni Eala si Lucie Havlickova ng Czech Republic, 6-2, 6-4, upang maging unang Pilipino na nagkampeon sa Open girls’ singles sa USTA Billie Jean King Tennis Center sa Flushing Meadows, New York. (ANN ENCARNACION)

135

Related posts

Leave a Comment