KAYUMANGGING KULAY NG MGA PINOY, NAWAWALA NA

Ni Ann Esternon

 

Isang African noon ang nagtanong, “Bakit pinapalitan ng mga Pinoy ang tunay nilang kulay?”

May komento naman ang ibang Pinoy sa kapwa nila Pinoy, “Maganda siya kaso maitim.”

Samakatuwid, sa paglipas ng mga panahon parang sinasabi na ang pagiging maitim o kulay kayumanggi ay hindi na maganda para sa mga Pinoy.

Marami sa mga Pinoy ay mga ‘matuwain’ sa kulay puti – nililingon kapag may foreigners na nakita o napapatitig kapag nakakasalubong ng mga puti – babae man o lalaki, lalo na kapag mas bata.

Katwiran ng iba, kapag puti ang kulay mo maganda dahil maaliwalas kumbaga. Parang aninag daw agad kung makinis o flawless ang balat. Parang alanganing komento iyan – sablay para sa iba sa atin.

SAWA NA ANG MGA PINOY SA KULAY NILA

Sawa na ba tayo sa kulay kayumanggi?

Bibihirang kapwa Pinoy ang magsasabing, “Ang ganda ng kulay mo. Kayumangging-kayumanggi.” Pero makakarinig ka ng “Kahit kayumanggi ka, maganda ka.” Sumusuntok ang salitang “kahit”?

Hindi na kapuri-puri ang kayumangging kulay para sa atin, bagay na nagpapatunay sa nakikita natin ngayon kahit saan. Pero lumipad ka sa ibang bansa kunsaan maraming mga puti o kahit pa mas maitim sa atin, mas naa-appreciate ng foreigners ang talagang kulay kayumanggi ng Pinoy. Kahit dito na lang sa Pinas, aliw ang foreigners sa kulay Pinoy.

PALIT-KULAY SA MERKADO

Malakas ang bentahan ng iba’t ibang pampaganda sa merkado. Pero halos lahat ng pampagandang mabibili ay may ingredients na pampaputi.

Ang pampaputi at resulta nito ay naging uso – uso na pinamarisan ng marami.

May isang aktibong komedyana noon na sa hitsura pa lang halata nang hindi purong Pinoy. Lumipas ang panahon, ang dating itimang kulay ay naging puti na.

Sa mata ng marami, hindi bumagay ang kulay niya noon sa ngayon. Hindi lang ba sanay ang tao sa kulay niya ngayon? Hindi ‘yun ang punto. Ang racial facial feature ang magsasabi kung ano talaga ang kanyang orihinal na kulay.

At sa mga Pinoy, alam ng kasaysayan kung anong tunay nilang kulay.

500

Related posts

Leave a Comment