BINARIL at napatay ang isang hindi pa kilalang lalaki nitong Linggo ng madaling araw sa Caloocan City.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-12:20 ng madaling araw sa Bagong Silang ng lungsod.
Nabatid sa ulat, nakaupo ang biktima sa isang eskinita malapit sa Aratiles St., Phase 3, Bagong Silang nang barilin ng suspek.
Agad binawian ng buhay ang biktima na nakalungayngay sa upuan nang abutan ng mga pulis.
Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente. (ALAIN AJERO)
