Kinumpirma ni Locsin 220 CHINESE MILITIA NASA WEST PH SEA

KINUMPIRMA ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. ang presensya ng 220 sundalong Chinese sa West Philippine Sea (WPS).

Ngunit, inihayag ni Locsin sa kanyang tweet kahapon, Marso 21, na maghahain ng “diplomatic protest” ang Pilipinas kung irerekomenda ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang AFP ay armadong sangay ng pamahalaan na pinangangasiwaan ng Department of National Defense (DND), hindi ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan kalihim si Locsin.

Ang pagkakaroon ng 220 Chinese militia ay patunay lamang na hindi isinusuko ng pamahalaan ng People’s Republic of China (PROC) ang pag-angkin nito sa WPS.

Patunay rin na hindi natitinag ang PROC sa Pilipinas kahit makailang ulit na itong naghain ng protesta ukol sa presenya ng mga sundalong Chinese, sa pamamagitan ng iba’t ibang porma at paraan.

Ang WPS ay bahagi ng Pilipinas, alinsunod sa batas ng United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS).

Kahit, mahigit 66 na ang diplomatic protests na ipinarating ni Locsin sa PROC, hindi naman binabatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PROC laban sa agresibong pag-angkin at sadyang pagkakaroon ng presenya ng nasabing bansa sa WPS. (NELSON S. BADILLA)

154

Related posts

Leave a Comment