KLASE NGAYONG MARTES SA ILANG LUGAR, SINUSPINDE NG MALAKANYANG

INANUNSYO ng Malakanyang na walang pasok ngayong Martes, Agosto 26, 2025, sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, gayundin sa mga tanggapan ng pamahalaan sa mga sumusunod na lugar dahil sa masamang panahon ayon sa PAGASA.

Ang mga sumusunod lugar ayon sa PAGASA ay ang:

• Metro Manila

• Aurora

• Quezon

• Rizal

• Laguna

• Camarines Norte

• Camarines Sur

• Albay

• Sorsogon

• Catanduanes

• Masbate

• Northern Samar

• Eastern Samar

• Leyte

• Southern Leyte

Samantala, pinayuhan naman ng Presidential Communications Office (PCO) ang lahat na mag-ingat, iwasan ang mga mapanganib na lugar, at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng pamahalaan.

(CHRISTIAN DALE)

53

Related posts

Leave a Comment