ANTIQUE – Patay ang dalawang estudyante habang sugatan ang pitong iba pa makaraang mawalan ng preno ang isang L300 van at sumalpok sa isang bahay
Ayon sa ulat ni PEMS Jeaneth F. Garces, deputy ng Laua-an Municipal Station, dakong alas-5:55 ng umaga habang minamaneho ni Soriano Samonte Jr. ang L300 van sa national highway ng Barangay Candahug nang mawalan ito ng preno.
Bunsod nito, bumangga sa isang bahay ang sasakyan na may plakang FAA-9816, at galing umano sa Culasi at patungo sa San Jose.
Kaagad namang isinugod ng mga nagresponde sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima subalit binawian ng buhay sina Geiril Farajillo Templora, 21-anyos ng Guinsang-an, Hamtic, Antique, at Kristinelle Granada Estandarte, 20-anyos, ng District 1, Sibalom, Antique.
Nabatid sa imbestigasyon ng Laua-an MPS, kinumpirma ni PEMS Jeannith F. Garcesa, Deputy/MESPO ng Laua-an MPS, na dalawang pasahero ang nasawi habang pito ang sugatan matapos ang insidente dakong alas-5:55 ng umaga, Agosto 25, 2025 sa national highway ng Barangay Cadajug, Laua-an, Antique.
Kabilang naman sa mga sugatan ang mga pasaherong sina Maria Angel Salibio, 19; John Carlich Cañete Navales, 20; Keanu Dayanday Beray, 22; Lyka Mae Ebon Refugia, 22; Normelito Udani Dubria, 21; John Garet Vicente Omallao, 21; at John Paul Abutog Jamco, 20-anyos.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Laua-an PNP sa nangyaring insidente.
(TOTO NABAJA)
94 