KO KAY THURMAN? PACQUIAO HAHABOL SA SONA

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon Sports Editor)

INAASAHANG maagang tatapusin ni eight division world champion Manny Pacquiao ang kanyang laban kay Keith Thurman sa July 20 (July 21 sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Bakit?

Dahil kinakailangan niyang makabalik ng Pilipinas sa Hulyo 22 (Manila time) upang makadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang SONA ay nakatakda sa alas-4:00 ng hapon sa Lunes (July 22) at para makadalo, nagrenta si Pacquiao ng private jet, na katulad ng ginagamit ni Floyd Mayweather sa kanyang pamamasyal, at inaasahang maglalapag sa 40-anyos na Fighting Senator sa Maynila bandang tanghali ng July 22.

Si international matchmaker Sean Gibbons ang nagsaayos ng pangangailangan ni Pacquiao.

Dahil sa planong ito, tiyak na ibubuhos ni Pacquiao ang lahat sa mga unang round pa lamang ng kanyang 12-round welterweight match kay Thurman.

At sa takbo ng kanyang paghahanda sa laban, hindi malayong ma-knockout niya nang maaga ang undefeated WBA super champion na si Thurman.

Gayunpaman, ayon kay Buboy Fernandez, hindi sila maaaring magpabaya sa laban.

“Boxer ang kalaban, ingat din, pero kung makakita ng opening, go!” ani Fernandez, ang chief trainer ni Pacquiao.

396

Related posts

Leave a Comment