BISTADO na lutang at walang alam si Senador Koko Pimentel sa mga lugar sa Marikina kung saan tumatakbo siya bilang kongresista ng Unang Distrito ng siyudad.
Sa “Make Manila Liveable: Elections Kapihan with Marikina Candidates” ng Rappler, halata sa kanyang mga pahayag na hindi pamilyar si Pimentel sa mga lugar sa lungsod.
“Meron tayo rito, iyong ano, iyong source ng water, ano Del (de Guzman)… sa Barangka, balon, na may structure na ngayon,” wika ng nauutal na si Pimentel, na tinanong pa ang katabing kandidato na si Del de Guzman.
“Tapos iyong simbahan, iyong first mass dito, San Isidro Labrador, doon sa may Elena,” dagdag pa niya.
Para hindi mapahiya, itinama lang si Pimentel ng isa sa kanyang mga kasama, sa pagsasabing ang tinutukoy niya ay ang Jesus dela Pena chapel na matatagpuan sa Nangka.
Humirit naman ang netizens na patunay lang ito na hindi taga-Marikina si Pimentel kundi taga-Cagayan de Oro.
Ipinunto pa nila na walang nagawa si Pimentel sa Cagayan de Oro sa kanyang termino bilang senador kaya wala ring aasahan sa kanya ang mga taga-Marikina.
“Sa CDO nga walang nagawa yan si Koko dito pa kaya sa Marikina? kawawa nalang talaga Marikenyos,” komento ng isang netizen.
