KOLEKSYON NG BOC PINALALAKAS PA

BOC-12

(Ni JO CALIM)

Bilang bahagi ng pagpapalakas at pagpapaganda ng koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) ay aktibo ang Post Clearance Audit Group (PCAG) sa kanilang post clearance audits sa  importers.

Ang hakbang ay naaa­yon sa  RA 10863, o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na ang PCAG ay muling binuhay noong  nagdaang Disyembre  sa ilalim ng  Executive Order No. 46.

Pangunahing mandato nito ay ang pagkakaroon ng post clearance audits para matiyak ang tamang  duties at taxes na nakolek­ta maging pagkatapos ng pag-release ng shipments.

Sakop ng nasabing post clearance audit ang ‘profiling or information analysis on importers, Customs brokers, at iba pang  stakeholders’ ng BOC sa pamamagitan ng pangangalap ng data at evaluation ng pagsunod sa import at export na pro­seso.

Isasagawa umano ito sa loob ng tatlong taon matapos na ma-release ang goods mula sa Customs control para alamin kung tama at ang authenticity of declarations.

Sa kasalukuyan ang  PCAG ay may nai-report nang kabuuang  296 Audit Notification Letters (ANL) na inisyu sa importers.

Nakapagpatala rin ng kabuuang  122 applications ang nai-file para sa pagkakaroon ng Prior Disclosure Program (PDP).

Ayon sa pahayag ni PCAG Chief Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, binigyan nila ng halaga ang proseso sa “post clearance audit” para matiyak na tama ang duties and taxes na nakolekta at magkaroon ng iba pang daan para sa re­venue collection.

Layunin ng nasabing hakbang  na mapigilan  ang mga importer na masangkot sa kalokohan at makaiwas sa posibleng kakaharaping  civil at criminal cases.

150

Related posts

Leave a Comment