Kongreso pasa nang pasa ng batas kahit walang pondo PINAS LALONG IBINABAON SA UTANG

BINALAAN ng isang beteranong mambabatas ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso dahil pasa nang pasa ang mga ito ng batas subalit hindi naipatutupad dahil sa kawalan ng pondo.

Ayon kay Buhay party-list Rep. Lito Atienza, madalas ding magpasa ang Kongreso ng batas na uutangin ang pondo para maipatupad tulad ng Stimulus for the Economy of the Philippines (ARISE) Bill na gagamitin umano para makabangon ang bansa sa pandemya sa COVID-19.

“People have been saying – Utang kayo nang utang sa Kongreso. Pasa kayo nang pasa ng batas, pero uutangin pa lang ang pera.

Why do we keep passing laws that do not have the necessary funding?,” ani Atienza.

Inihalintulad ni Atienza ang ARISE Bill na uutangin umano ang P1.3 trillion na hindi praktikal dahil lalong malulubog aniya ang bansa sa utang kapag nagkataon.

“Whether it’s a congressional act, a local government ordinance, or a barangay appropriation act, lahat po ito ay dapat may mapagkukunan ng pera.

Hindi po pwedeng pasa nang pasa ng batas o ordinansa, na wala pong pera,” ani Atienza.

“Our Constitution states that kailangan may mapagkukunan tayo. Kung may bagong programa, kailangan may excess funds.

Hindi tayo pwede [kumuha] ng bagong utang para sa bagong programa. Kung may sobra po tayong pondo, pwede po itong ARISE pero kung wala, ang recommendation ng DOF ay wag muna po,” dagdag pa ng mambabatas.

Isa rin umano sa batas na ipinasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na hindi maipatupad dahil sa kawalan pondo ay ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) partikular na ang

Section 440 na magkakaroon ng pre-shipment inspection sa mga cargo at container van sa kanilang port of origin.

Sinabi ng mambabatas na araw-araw ay umaabot sa 12,000 hanggang 15,000 container vans ang dumarating sa bansa subalit kalahati lamang sa mga ito ang naiinspeksyon ng Bureau of Custom (BOC).

“The implementation of pre-shipment inspection ensures that every centavo due to government is collected and this also prevents the entry of illegal drugs into the country,” ani Atienza subalit dahil hindi pinondohan nang ipasa ang batas na ito noong 2015 ay hindi ito naipatupad. (BERNARD TAGUINOD)

196

Related posts

Leave a Comment