KONTRATISTA, POLITIKO, DPWH OFFICIALS SA GHOST AT SUBSTANDARD FLOOD CONTROL PROJECTS, KASUHAN NA – TULFO

“DAPAT lamang na kasuhan na ang mga kontratista, politiko at DPWH (Department of Public Works and Highways) officials na nagsabwatan sa ghost at substandard flood control projects”.
Ito ang mariing pahayag ni Sen. Erwin Tulfo, vice-chairman ng Blue Ribbon Committee, sa isang media interview kamakailan.

“Para hindi na pamarisan pa in the future, dapat may masampolan na,” ani Sen. Tulfo.

Dagdag pa ng mambabatas, “Trilyong pisong pera ng taumbayan ang ninakaw nila kaya dapat lamang na managot ang mga yan”.

“Kung yung shoplifter nga na nagbubulsa lang ng ilang item sa grocery store kulong agad, dapat ang mga contractor na ito at kasabwat nila na politiko at DPWH engineers ay idiretso din sa kulungan,” ayon pa sa senador.

Para kay Tulfo, ang mga ghost o substandard projects na isiniwalat kamakailan nina Pangulong Bongbong Marcos at Senador Panfilo Lacson ay sapat nang ebidensya para makulong silang lahat.

“Kasalanan ng politiko ‘yan dahil sa napakalaking komisyon na hiningi nya, pwersado ang contractor na i-substandard ang proyekto, o mas malala gawing ghost project na lang,” ayon pa sa neophyte lawmaker.

Tatlong contractor umano ang sabit sa ghost projects sa Bulacan at ito ay ang Wawao Construction, Symp Construction, at Darcy and Anna Contractors.

Labing limang (15) contractor naman ang nabanggit ng Pangulo na kumopo ng P1.3 trillion flood control projects subalit mga substandard ang ilan.

“Sabay-sabay na silang lahat na dapat kasuhan ng DOJ (Department of Justice),” ayon pa kay Tulfo.

Lima sa mga ito tulad ng Legacy Construction, Alpha and Omega Contractors, St. Timothy Construction, EGB Construction, at Road Edge Trading ay napabalitang nagpaparenta ng kanilang lisensya kaya kung saan-saan makikita na gumagawa sila ng government project.

81

Related posts

Leave a Comment