PARA sa Malakanyang, mas madaling tanggalin ang bulok sa PhilHealth sa sandaling matuloy ang pagbuwag dito.
Ito ang binigyang-diin ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng inaasahang malawakang sibakang gagawin sa ahensiya dahil sa isyu ng korupsiyon.
Ani Sec. Roque, kapag na-abolish na ang PhilHealth ay mas madali nang magtanggal partikular ang mga may bahid ng iregularidad.
Sa kabilang banda’y kung hindi naman aniya maa-abolish ang ahensya, mas magiging matagal ang pagpoproseso ng pagtatanggal.
Daraan aniya sa proseso ng screening ang mga kawani ng PhilHealth at mula roon ay malalaman kung sino ang mananatili sa bagong titindig na ahensiya habang sa kabilang banda’y maaasunto ang mga bugok at tiwali sa tanggapan. (CHRISTIAN DALE)
150 