KOREANONG SWINDLER HULI SA LAS PIÑAS

INANUNSYO ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pagkakaaresto sa isang pugante mula sa South Korea na umano’y wanted ng mga awtoridad sa Seoul sa kasong swindling sa kanyang mga kababayan, limang taon na ang nakalipas.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Kim Dong Woo, 49-anyos, naaresto noong Lunes sa Las Piñas City ng mga operatiba mula sa bureau’s Fugitive Search Unit (FSU).

“Kim will soon be returned to Korea to face the charges against him, as an order for his summary deportation was already issued last month by the BI Board of Commissioners,” ani Morente.

“His name has been placed in our immigration blacklist, hence any future attempts to re-enter the country will be barred,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, sa report ni BI FSU Chief Bobby Raquepo, nabatid na si Kim ay isang undocumented alien at ang kanyang passport ay ni-revoke na ng South Korean government.

Matatandaan, si Kim ay nasa government’s wanted list nang lumipad patungong Pilipinas noong Pebrero 2018 para takasan ang kanyang kaso na isinampa sa kanya sa kanilang bansa.

“The Bureau recently received information about his crimes and was informed that his passport is no longer valid, hence the Commissioner issued a Mission Order for his arrest so he may be sent back to his home to be prosecuted,” ayon kay Raquepo.

Sa impormasyon mula sa BI’s Interpol database, lumalabas na noong 2015, si Kim habang nasa Incheon ay humiram sa mga biktima ng 65 million won, o katumbas ng US$58,000 para sa kanyang negosyo.

Si Kim ay nangako sa kanyang mga biktima na babayaran ng 20-percent interest para sa nasabing loan.

Hindi umano natupad ng Koreano ang kanyang pangako sa halip ay lumipad patungo sa Manila at makalipas ang dalawang taon ay napag-alaman na may kaso palang nakasampa sa kanya sa kanilang bansa.

Ang Korean ay pansamantalang nakakulong sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City para sa nakabinbing deportasyon. (JOEL O. AMONGO)

 

104

Related posts

Leave a Comment