CCP IPAGDIRIWANG ANG WORLD-CLASS ACTING SA PHILIPPINE PREMIERE NG ‘ON THE JOB: THE MISSING 8’

Ang WAGI! Celebration of Filipino Excellence, isang serye ng film screenings sa CCP, na magpapakita ng world-class acting talent sa ikatlong installment sa Philippine premiere ng “ON THE JOB: THE MISSING 8,” na mapapanood sa Pebrero 18, 2022 sa ganap na alas-5:00 ng hapon sa Tanghalang Nicanor Abelardo.

Idinerehe ng multi-awarded director na si Erik Matti, ang pelikula ang nagdala sa aktor na si John Arcilla na makamit ang Coppa Volpi (Volpi Cup) para sa Best Actor sa 78th Venice Film Festival.

Ang pelikula ay tumatalakay sa isang korap na reporter para sa isang local newspaper na napiliting magsimula ng isang imbestigasyon sa pagkawala ng kanyang mga kabaro na nagdala sa kanya laban sa kanyang mga personal na interes. Samantala, ang isang bilanggo, na nakagawian nang inilalabas mula sa bilangguan upang magsagawa ng mga pagpatay, ay sinentensiyahan ng habambuhay na pagkakakulong para sa isang krimen na hindi niya ginawa at, dahil ayaw niyang gugulin ang natitirang bahagi ng kanyang buhay bilang isang hitman, ay nagsimulang magplano ng mga paraan upang mabawi ang kanyang kalayaan sa anumang paraan na kinakailangan.

Ang pelikula na inilabas noong Setyembre 10, 2021, sa 78th Venice International Film Festival, ay nakapasok sa Main Competition para sa Golden Lion at nasungkit ang Volpi Cup para sa Best Actor para kay John Arcilla. Isang HBO Asia Original, ang sequel na ito sa 2013 film On the Job ay nakatuon sa korapsyon at media censorship ngayong may bagong malakas na tao sa poder sa Pilipinas.

Ang tickets ay mabibili sa Php300. Tumawag sa TicketWorld sa 09175506997 (Globe) o 09999545922 (Smart), o magsadya sa www.ticketworld.com.ph. Tumawag sa CCP Box Office sa 8832-3704 / 8832-1125 local 1409.

Ang screening ay susundan ng isang short program na sasamahan ng formal presentation ng Volpi Cup kay John Arcilla, at isang post-screening talkback sa special guests. Ang talkback ay livestreamed sa CCP Facebook page.

Ang special screening ay inihandog ng CCP, sa kooperasyon ng Asian Cultural Council Philippines Foundation, Reality MM Studios, at Globe Studios.

Ang WAGI ay isang serye ng special screenings ng piling pagtatampok at dokyumentaryong pelikula sa pagdiriwang ng kahusayan ng mga Pilipino. Nagbukas ito noong Nobyemre 5, 2021 sa dokyumentaryo ni Ramona Diaz na “A Thousand Cuts” bilang pagkilala kay Maria Ressa, ang unang Pinay na nagwagi ng Filipina Nobel laureate. Ito ay sinundan ng special screening ng GMA7 documentary na “Team Pilipinas: The Atom Araullo Specials” na produced ng broadcast journalist na si Atom Araullo na nagpaparangal sa mga atleta na kumatawan sa Pilipinas at humakot ng mga medalya sa 2020 Tokyo Olympics.

Binubuksan ng CCP ang kanilang mga teatro sa 30 percent capacity, pwera ang Balcony II. Upang masiguro na ang bawat isa ay magiging ligtas sa kanilang theater experience, mangyaring basahin ang CCP’s new normal health protocol sa bit.ly/CCPNewNormalProtocol.

#CCPWagi #OnTheJobTheMissing8 #culturalcenterph #CCP52

502

Related posts

Leave a Comment