KUMAKALAT NA PETISYON SA EMBO KANINONG INISYATIBO?

 CLICKBAIT

MAY pinal na desisyon na ang Korte Suprema, ngunit nakararamdam pa rin ng kalituhan at kalungkutan ang mga apektadong residente ng Enlisted Men Barrio (Embo) barangays.

Malamang ito ang buod ng isang petition letter na kumakalat ngayon sa Enlisted Men Barrio (Embo) Barangay sa Makati City kung saan hinihimok ang mga residente na lumagda para iakyat ang usapin ng Makati-Taguig territorial dispute sa Kongreso.

Layunin ng petisyon na mangalap ng sapat na lagda para pakinggan ang petisyon ng mga mambabatas dahil ayon sa sulat ay may kapangyarihan ang Kongreso na magtakda ng referendum o people’s initiative sa ilalim ng 1987 Constitution.

“Mamamayan ng Makati” lamang ang nakalagay at walang pangalan ng namuno sa petition letter.

Ang paghingi ng saklolo ng Kongreso ay huling dulugan ng mga residente matapos na magpalabas ng pinal na pasya ang Korte Suprema na nagtatakda na ang 10 Embo barangays kabilang ang

Bonifacio Global City ay nasa hurisdiksyon ng Taguig City. Hinihiling nila, sa pamamagitan nina Cong. Kid Peña at Cong. Luis Campos ang pagkakaroon ng REFERENDUM batay sa PEOPLE’S INITIATIVE CLAUSE ng 1987 Constitution.

Sa petisyon, ginawa nilang ehemplo ang minsang pagkilala ng Kongreso sa pagiging lehitimo ng Embo nang isabatas nito ang pagkakaroon ng ikalawang distrito ng Makati kaya ito rin ang magreresolba sa Taguig-Makati territorial land dispute.

Gayunman, ang lumabas na signature drive ay kabaligtaran umano sa tunay na sentimyento at sa natanggap ng ilang opisyales ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na liham mula sa mga residente ng Makati na humihiling na bilisan ng lungsod ang gagawing transition.

Para raw sa proteksyon ng mga sumulat kaya tumanggi ang mga opisyal ng Taguig na isapubliko ang pangalan ng mga ito.

Nakakaalarma ang mga alegasyon na ang mga nagpapakita ng kanilang suporta sa Taguig ay pinagbibitiw sa trabaho. Apektado rin daw ang pribadong mamamayan lalo ang may negosyo.

Matindi raw sumipsip
si Mayor Sandoval?

Kamakailan, binatikos ng netizens si Malabon Mayor Jeannie Sandoval dahil sa pahayag nitong iniidolo niya si VP Sara Duterte.

Masyado naman daw sipsip si Mayora!

Hindi kasi naniniwala ang mga nagkomentong netizen sa mga papuri ni Sandoval kay Sara lalo pa’t kitang-kita naman daw ang mga pagkukulang nito bilang kalihim ng DepEd.

Tanong pa nila, saang anggulo kaya nakita ni Sandoval na pinahahalagahan ni Duterte ang edukasyon.

Sapol na sapol si mayora pero sana nakarating sa kanya. Sayang naman ang effort ng mga basher.

193

Related posts

Leave a Comment