Labor group kabado sa pagpasok ng PNP MILITARISASYON SA PEZA BINIRA

MALAYANG mapapasok ng mga pulis ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) dahil nilagdaan noong Lunes ang implementing rules and regulations (IRR) ng Joint Industrial Peace and Concern Office (JIPCO) ng dalawang ahensiya.

Binatikos ng Partido Manggagawa (PM) ang ginawa ng PNP at PEZA dahil sa paniwalang wala nang nang hadlang sa mga pulis na pakialaman ang pagkilos ng mga manggagawang nagtatrabaho sa mga kumpanyang nakabase sa teritoryo ng PEZA.

“The signing of IRR of the JIPCO between the PNP and PEZA will mean further militarization of ecozones, harassment of labor unionists and escalation of the union busting. As far as workers are concerned, police presence in the ecozones has been to harass labor protests, disperse picket lines and arrest organizers,” bigwas ng tagapangulo ng PM na si Rene Magtubo.

Malaki ang pagdududa ng PM sa layunin ng JIPCO na panatilihin ang “industrial peace” sa PEZA dahil “doublespeak” ang layunin nito.

Ibig sabihin, maaaring sabihin ng PNP na nagmamalasakit ito sa mga manggagawa ngunit ang totoong layunin sa pag-alam nito sa kondisyon ng mga manggagawa sa piket o welga, ay ipatigil ang nasabing paglaban ng mga manggagawa sa pananamantala at pandurugas ng kapitalista sa mga ito.

Batay sa kasaysayan ng kilusang paggawa, ang direktang pakikialam at pagpapatigil sa protesta at pakikibaka ng mga manggagawa ay matagal nang ginagawa ng mga pulis na itinuring pa namang mga alagad ng batas, ngunit taliwas at tahasang paglabag sa batas-paggawa ang ginagawa.

Sabi ni Magtubo, kitang-kita sa datos ng PM na napakarami nang ginawa ang PNP na karahasan at aksyon laban sa mga manggagawang nagtatrabaho sa mga kumpanya ng PEZA. (NELSON S. BADILLA)

164

Related posts

Leave a Comment