NAGSAGAWA ng routine and complaint inspection ang mga kawani ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Central Luzon sa pabrika ng Real Steel Corporation na matatagpuan sa bayan ng San Simon, Pampanga at inalam ang kalagayan ng mga manggagawa rito.
Base sa naobserbahan ng DOLE, maayos na naasikaso ng management ng steel factory ang mga empleyado.
Nabatid pa na maganda at nasa airconditioned barracks ang mga ito at sagana sa supply ng pagkain habang patuloy na nasa health quarantine ang buong probinsiya dulot ng coronavirus pandemic.
Ito ang nasaksihan mismo ni Region 3 DOLE director Maria Zenaida Angara-Campita kaugnay ng naturang complaint inspection kasama ang mga regional field officer sa compound ng RSC steel factory.
Ang aksyon ng ahensya ay kasunod ng balita at reklamong minamaltrato umano ang mga manggagawa rito at may paglabag sa occupational safety and health standards.
Ayon kay Campita, nasorpresa sila dahil ang living quarters ng mga stay-in laborer ay fully airconditioned at kumpleto sa pasilidad.
“The working condition is excellent. Everything is provided for them,” wika ni Campita.
“The company observes health standard and that was the reason why the workers were not allowed to go out because of their safety and to prevent them from being exposed outside due to coronavirus,” ayon pa sa opisyal.
Itinanggi rin ni Campita ang alegasyon ni Erwin Tulfo sa kanyang radio and television program kaugnay ng umano’y naganap na rescue operations sa mga manggagawa kung saan napag-alaman na boluntaryong nag-resign ang mga ito at hindi “rescued”.
“Honestly I was surprised of the rescue story. There was no one to be rescued as they voluntarily resigned in the first place,” ani Campita sa isang phone interview.
Ang RSC ay mayroong mahigit 400 employees at 42 sa mga ito lamang ang nag-file ng resignation hindi dahil sa sila ay minamaltrato umano o inaabuso sa pagtatrabaho at ang mga ito ay maaaring makabalik ayon sa management.
“Nahihiwagaan lang ako…kasi kung meron pang-aabuso at maltreatment sa kanila eh bakit gusto nilang makabalik sa trabaho?” ani Campita.
“They were under the custody of San Simon LGU while waiting for the compensation from the RSC,” wika ni Campita.
Tiniyak umano ng management ng steel factory na matatanggap ng 42 workers ang kanilang compensation kabilang ang unpaid wages na nagkakahalaga ng mahigit isang milyon. (ELOISA SILVERIO)
142
