LAGUNA GOV, SEN. LAPID, USEC CANDA NA-COVID

PAWANG nagpositibo sa COVID-19 sina Laguna Governor Ramil Hernandez, Senador Manuel “Lito” Lapid at Department of Budget and Management (DBM) officer in charge, Usec. Tina Rose Marie Canda.

Sa isang social media post, inamin ni Hernandez na maging siya ay kinapitan ng nakamamatay na virus base na rin sa resulta ng kanyang RT-PCR test.

Aniya, bagamat asymptomatic ang kanyang estado, mas minabuti pa rin umano niyang mag self-quarantine nang sa gayon ay wala nang iba pang dapuan ng sakit na mayroon siya ngayon. Gayunpaman, tuloy pa rin ang kanyang trabaho at hindi aniya naapektuhan ang mga programang isinusulong ng kanilang lalawigan.

Paalala pa ng gobernador sa kanyang nasasakupan, ibayong pag-iingat lalo pa’t muling dumaranas ng malawakang hawahan ang bansa bunsod marahil ng mas mabagsik na mutated strain na higit na kilala bilang Delta variant.

Samantala, inihayag ni Atty. Jericho U. Acedera na nahawa ng coronavirus 2019 si Senador Lapid matapos magpositibo ang RT-PCR test sa kanya.

Base sa paunang pahayag ng tanggapan ni Lapid, sinabi ni Acedera na kasalukuyang ginagamot ang mambabatas sa Medical City Clark matapos ikonsidera ng mga doktor na  mild to moderate ang kanyang kaso.

“We wish to confirm that unfortunately, Pinuno tested positive in his COVID-19 RT-PCR test. He is currently undergoing treatment at the Medical City Clark where his doctors consider his case as mild to moderate,” ayon kay Acedera.

Dahil dito, hiniling ni Acedera sa lahat ng taong nakasalamuha o nakipagkontak kay Lapid na sundin ang COVID-19 protocol at magpasuri kaagad sa pagamutan.

“All of those who have come in close contact with him already took the necessary tests and have been instructed to comply with the existing Covid-19 protocols,” ayon kay Acedera.

“As this happened when the Senate is not holding sessions, no member of our staff have been considerably exposed except for his personal and close-in employees who have tested negative in their antigen tests and currently exhibit no symptoms,” ayon pa sa abogado.

Maging si DBM OIC, Usec. Canda ay kinumpirmang nagpositibo siya pero asymptomatic dahil walang nararanasang anomang sintomas ng sakit.
Aniya, nakatakda siyang magpa-reswab test ngayong araw.

Ang pagiging positibo umano ni Canda sa COVID-19 ang dahilan kaya hindi siya nakadalo sa pagsusumite ng DBM sa 2022 national expenditure program kahapon.

Nakatakda namang simulan ng Kongreso sa Agosto 26 ang budget hearing para sa 5.024 trilyong pisong panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Canda bilang OIC ng DBM makaraang magbitiw sa pwesto si dating secretary Wendel Avisado. (CYRILL QUILO/ESTONG REYES/CHRISTIAN DALE)

210

Related posts

Leave a Comment