NILAMPASO nina DeMar DeRozan, nagtala ng season-high 38 points at Zach LaVine, 26 points at ng Chicago Bulls ang naghihikahos na Los Angeles Lakers, Lunes (Martes sa Manila) sa Staples Center sa Los Angeles.
Maging si Lonzo Ball ay may season-high 27 points, may kasamang eight assists at seven rebounds laban sa dati niyang koponan, tungo sa ikaapat na panalo sa limang laro ng Bulls, kasunod ng panalo laban sa Clippers noong Linggo.
Tinapos din ng Chicago ang eight-game skid nito laban sa Lakers mula noong Nobyembre 2016.
Nagsanib sina DeRozan at LaVine sa 39 points sa first half, humirit ng pitong 3-pointers ang dalawa.
Si Anthony Davis, may 20 points at six rebounds bago itinapon ni referee Scott Wall, 2:20 sa third quarter.
Ikaapat na talo ito sa pitong laro ng Lakers nang wala si LeBron James sanhi ng abdominal strain.
Na-eject si Davis dahil sa kabiguang muling maisuot ang natanggal na sapatos sa itinalagang oras.
Tatlong araw matapos dominahin ng Minnesota ang lakers sa third period, ang Chicago ay umabante ng 25 sa third sa pag-iskor ng 37 points sa nasabing period.
Si Talen Horton-Tucker, may career-high 28 points laban sa kanyang hometown team, habang si Westbrook ay nagsumite ng 19 points ng kanyang 25 sa first half para sa Lakers, isinara ang five-game, eight-day homestand na may tatlong panalo at dalawang nakakadismayang talo.
T’WOLVES SILAW SA SUNS
MAY kabuuang 21 puntos si Chris Paul, pero 19 dito iniskor niya sa fourth quarter. Habang nagsumite si Devin Booker ng 29 points para talunin ng Phoenix Suns ang Minnesota Timberwolves, 99-96, Lunes (Martes sa Manila) sa Minneapolis.
Ito ang ikasiyam na sunod na panalo ng Suns, kung saan tumulong din si Deandre Ayton, may 22 points at 12 rebounds sa kanyang pagbabalik-aksyon makalipas ang limang pagliban sanhi ng lower leg contusion.
Nagwagi rin ang Phoenix sa Houston, 115-89 kamakalawa.
Nai-shoot ni Booker ang isa sa dalawang foul shots, 16.1 segundo para sa 98-96 Suns lead.
Kasunod nito, sumablay si Minnesota’s D’Angelo Russell sa kanyang 3-point attempt at bigo si Anthony Edwards kontrolin ang offensive rebound.
Muling nag-free throw si Booker at wala nang nagawa ang T’Wolves, kundi lasapin ang ikawalong talo sa siyam na laro.
Nanguna sa T’Wolves si Karl-Anthony Towns, 35 points at 13 rebounds. Si Russell ay may 22 points, kasama ang 11 buhat sa back-and-forth fourth quarter. May 12 points naman si Malik Beasley mula sa apat na tres.
Dikitan ang laro sa umpisa nang makaalagwa ang Phoenix sa kalagitnaan ng third, kasabay ng pagkadismaya ng Minnesota sa officiating.
Natawagan sina Edwards at Towns ng technical fouls sa loob ng 16 seconds. Ang kakamping si Patrick Beverly ay tinawagan ng foul sa layup attempt ni Booker at nakita sa video replays na bahagya lang ang naging kontak, dahilan para sigawan ng fans ang mga official.
Kasunod ng technical foul, naupo si Towns pero hindi tumigil sa paghikayat sa fans na magreklamo sa laban sa reperi.
Sa kabilang banda, nagsimula namang pumasok ang mga bola ng Suns. Sina Landry Shamet at Booker, magkasunod na nag-tres at ang 14-5 run ang nagbigay sa Suns ng pinakamalaki nitong seven-point lead.
Umiskor si Towns ng siyam sa 9-2 run at 78-77 lead ng Minnesota, at dito na nagsimula ang palitan ng basket ng dalawang koponan hanggang matapos.
Babalik sa home ang Suns para sa three-game stand simula sa Miyerkoles sa magkasunod na laro kontra Dallas Mavericks. Bisita naman ng Timberwolves ang Sacramento Kings.
CELTICS BUMAWI SA CAVS
INISPLIT ng Boston Celtics at Cleveland Cavaliers ang kanilang two-game sa Rocket Mortgage FieldHouse sa Cleveland.
Nanaig ang Boston, 98-92, sa pangunguna nina Jayson Tatum (23 points) at Dennis Schroder, 14 points, six points sa huling 76 seconds.
May ambag si Al Horford na 17 points at nine rebounds at 14 points din mula kay Marcus Smart para sa Boston (7-7), ikatlong panalo sa apat na laro.
Mat eight rebounds, five assists at two blocks din si Tatum.
Nitong Sabado, dalawang free throws ang isinalaksak ni Darius Garland sa huling 9.4 seconds sa laro, kung saan hinabol ng Cleveland ang 19-points deficit tungo sa 91-89 win kontra Boston. Parehong ikatlong laro ito ng dalawang koponan sa apat na gabi.
Nagsumite si Ricky Rubio ng 26 ng kanyang 28 points sa second half at si Cedi Osman, may 26 points at five assists off the bench para sa Cavaliers (9-6) at wagi ng anim sa walong laro.
Si Cleveland rookie Evan Mobley, sablay lahat ang kanyang 11 field goal attempts at may isang puntos lang, pero may nine rebounds at five assists bago nagtungo sa locker room sa simula ng fourth sa ‘di nabatid na kadahilanan.
Aabante na sana ang Cavs, 90-88, 1:51 sa orasan, ngunit ang back foot ni Denzela Valentine ay lumabas mula sa 3-pointer. Humirit si Schroder ng back-to-back baskets at in-extend ang kalamangan ng Boston, 94-89 at dinagdagan pa ng dalawang free throws.
Si Mobley, third overall draft selection mula sa USC, ang starter sa unang pagkakataon, nang si top rebounder Jarrett Allen ay biglang nagkasakit bago ang laro.
May 10 points si Tatum sa third nang sa unang pagkakataon ay lumamang ang Boston, 65-64. Habang si Rubio ay may 14 points sa period, na limang beses nag-seesaw at pitong beses tumabla.
Angat ng 11 ang Cavs sa first at second quarter bago isinara ang halftime sa 39-37 lead.
Bibisitahin ng Celtics ang Atlanta sa Miyerkoles, habang dadayo naman ang Cavs sa Brooklyn.
PACERS SILAT SA KNICKS
OFF the bench, umiskor si Immanuel Quickley ng 16 points at nagawang limitahan ng New York Knicks sa dalawang basket ang Indiana Pacers sa fourth quarter para makahabol at itala ang 92-84 win, Lunes (Martes sa Manila).
Maging si Kemba Walker nagsumite ng 16 points para sa Knicks, ngunit hindi lumaro sa fourth nang kumamada ang reserves, lalo na sa depensa na siyang sinandalan ng New York. Nagdagdag din si Derrick Rose ng 14 points.
Winakasan ng Knicks ang three-game home losing streak at two-game skid overall, nang ma-outscore ang Pacers, 23-10 sa final 12 minutes. Habang ang Indiana ay 2 for 20 sa fourth.
Si Malcolm Brogdon ay nag-ambag ng 22 points, eight rebounds at seven assists sa Pacers, may dalawang sunod na panalo. Si Domantas Sabonis ay nagdagdag ng 21 points at 15 rebounds, 17 points naman mula kay Caris LeVert.
Matapos ang tatlong quarter, hinahabol ng Knicks ang 74-69 score, bago naitabla ni Quickley nang umiskor ng unang lima sa fourth.
Muling umangat ang Indiana, 82-79, bago muling umabante ang Knicks buhat sa 8-0 run, kasama ang 3-pointer ni Quickley, kasunod ang basket ni Rose at assist sa dunk ni RJ Barrett.
Noong Nobyembre 3, tinalo ng Pacers ang Knicks, 111-98 mula sa 25 points ni Myles Turner, may career-best seven 3-pointers, pero nitong Lunes, tatlong puntos lamang ang kanyang kontribusyon.
Hindi rin nakalaro sa Indiana si rookie Chris Duarte, starter sa bawat laro, sanhi ng right shoulder injury.
Nang pumasok si Walker sa unang pagkakataon sa first quarter, 4 for 5 siya, habang ang ibang Knicks at 0 for 8.
Pagpasok ng second period, nag-init na pareho ang magkalaban, ang Knicks ay may 54% shot. At kinuha ng Pacers ang 49-48 edge sa halftime.
Bibiyahe ang Pacers sa Detroit sa Miyerkoles, habang haharapin naman ng Knicks ang Orlando.
163 