LAKWATSERONG GOV’T OFFICIALS SINISILIP NG PACC

(NI BETH JULIAN)

BUKOD sa patung-patong na reklamo na may kaugnayan sa korapsyon, iniimbestigan din ng Presidential Anti- Corruption Commission (PACC) ang ilang reklamo na may kaugnayan sa excessive foreign travel.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, kabilang sa sentro ng kanilang imbestigasyon ang tungkol sa sobra sobrang pagbiyahe sa labas ng bansa ng mga nasa Secretary level, Undersecretary at Assistant Secretary.

Gayunman, sa pagbubunyag ng PACC, hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye tungkol sa kung ilang miyembro ng Gabinete ang under investigation dahil sa excessive foreign trip na kinabibilangan ng mga Usec at Asec.

Paliwanag ni Belgica na ang isinasagawang pagsilip sa foreign trips ng mga opisyal ng gobyerno ay bunsod ng nadiskubre ni Pangulong Rodrigo Duterte na maraming out of country trips ang mga dating appointee nito.

 

187

Related posts

Leave a Comment